Tama nga siguro si Maam Nila sa sinabi niya nung HS ako, hindi ako expressive sa love na nararamdaman ko. Gusto kong umiyak, pero walang nalabas na luha sa mga mata ko. Pero ang sakit! Ang sakit sakit kasi alam ko sa sarili ko na ganito ako kaso wala e, ganito pa rin ako. Hndi ko alam kung bakit ganito. Kahit naman sa pamilya e, hindi ako sweet. I am really not and I hate it. I hate myself! Alam ko hindi ito dahil sa first time ko magkarelationship. It's just that kulang ako sa expressiom, hindi ko mailabas lahat. Alam niyo ba yun? Siguro kasama na rin ung factor na mahiyain ako, madali akong matakot at inaalaala ko ang sasabihin ng iba. Maybe, that's the reason why. Haaay. Nararamdaman ko nga, mas sweet pa siya sa akin. Hindi ko alam kung sadyang ganun siya o weak lang talaga ako pagdating sa ganun. haay, what's wrong with me? Tinatanong pa ba yun Chala?! Alam mo na dapat sa sarili. Remind yourself na para ka lang lalaking TORPE na hindi masabi sa babaeng mahal niya ito. So anong mangyayari? Wala, kasi wala rin siyang ginagawa.
Pag magkasama kami, masaya naman ako, ang lambing niya kasi, ganun ba ako kahinhin? ( I mean, ayoko kasi ng PDA guys, err ) Ano bang dapat kong gawin? Mukha ngang pangspecial occassions lang ako, parang special product lang na kilala pag may ganitong event, may ganyang event. whew! It hurts but it's true! I hate it. Di ko alam, pag nakikita ko naman siya, gusto ko naman siyang yakapin, ikiss, pero wag sa harap ng ibang tao. Hindi sa ikinahihiya ko siya, I don't promise. It's just that NAHIHIYA TALAGA AKO E. T___T Nature ko na ung ganun, pagkamahiyain at pagkatahimik, halimbawa na lang sa pamilya ko, sa mga magulang ko nga, hindi ko nasasabi kung gaano ko sila kamahal KASI MAHIYAIN AKO. NAHIHIYA AKO MAGSABI NG I LOVE YOU NG HARAPAN. IT FEELS SO AWKWARD AND I HATE IT. Dapat diba hanggat may time sabihin ung mga ganung bagay dapat pinapaalam mo? Haay Bakit ako? Bakit hindi ko magawa?! Puro na lang kasi ako hiya e. Lagi ko na lang iniisip ung iba! Badtrip! Iniisip ko ung maaari nilang sabihin tungkol sa akin, takot kasi akong mapuna ng iba!
Kahit naman dati, kaya nga siguro niya pinili si ano...kasi i'm not expressive in love like her. Haaaaaaaaay. Ako na ung ganito, tsope! tsope si chalajoy! err! walang mangyayaring maganda pag ganito ako, hindi ako ang pinili ni ex noon dahil na rin sa akin, now i understand. Si present naman, si baby ko, ung mahal ko, ayoko siyang mawala ng dahil na naman sa sarili kong torpe. Ayokong iwan niya ako pero kung hindi niya mahanap sa akin o maramdaman sakin ung feeling na nais niya, wala na akong magagawa pa. Kasalanan ko naman kasi e, when will I ever learn? Kailan ko pa sasabihin ang mga salitang dapat nasabi ko na, matagal na? Kailan ko pa ipaparamdam ang pagmamahal, kung kailan huli na ang lahat? NO wAY. :/
Yes Ma'am, tama ka nga po.
No comments:
Post a Comment