Friday, March 25, 2011

What the Hell?!

"all my life I've been good but now,oh oh, thinking what the hell!"

--wala lang.fave ko lang ngayon sumunod sa I Love You na parehong kanta ni Avril Lavigne. kaso di bagay ang I Love You sa mood ko. (mood daw?LOL) kasi naman I'm out of love. Ahaha. Nagawa ko pang tumawa a? Ganun talaga. :D

Darating sa buhay ng tao na may bagong makikilala, bagong mamahalin. Akala mo siya na, akala mo di ka niya lolokohin pero akala lang un. akala lang ang lahat. Haay. Bakit nga ba ganun? Kung kelan may nagsasabing mahal ka, di ka iiwan, maghihintay para sayo,maniniwala ka na...sa bandang huli naman, lolokohin ka lang pala.

Manliligaw ligaw sayo,araw araw nanuyo. Laging sinasabing mahal ka pero dapat bang maniwala sa salita? Mas mahalaga pa rin na pinadadama niyang mahal ka niya. Madali lang kasing sabihing mahal mo ang isang tao kahit di naman talaga. Ang mahirap ay ung magsabi ng 'I love you too'. Ang swerte na ng taong masabihan ng Iloveyoutoo kasi ibig sabihin mahal ka rin niya. Whew. Oo, 'rin' pareho kayo ng nararamdaman para sa isa't isa. Kaso hindi lang talaga dapat binabase sa salitang i love you ang lahat.

Kasi naman, bakit ganun? sasabihan ka ng iloveyou, un pala ganun din sa iba. Lahat ng sinabi niya, nasabi na rin niya dun sa isa. Ang mas masakit pa dun, kanina lang mahal na ninyo ang isa't isa(totoo na ung nararamdaman mo) kinabukasan, may karelasyon na siyang iba. Diba ang sakit? Ang sakit sakit nun! tagusan sa puso, nakakasikip ng dibdib! Whew!

Ano nga bang dahilan? Di ko rin alam kung bakit naging ganun. Mali ba ang ginawa ko? Mali bang itago muna sa sarili ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya? O tama lang dahil sa huli ay sasaktan niya rin ang ako?

Dun siya bumagsak sa isang babaeng hindi naman kagandahan. Inaamin ko, nakakabitter talaga nung nalaman kong ganun, sinong hindi mabibitter aber?! Pero un nga lang ba talaga ang dapat na tignan? Owkay, diretso na, pangit siya pero ang lamang niya, mas malapit siya sa kanya. Siguro, mas pinaramdam niyang mahal niya siya. Ako kasi hindi e, hindi ako agad nagsabi ng nararamdaman ko. kaya siguro dun siya. Eh? May mali pa rin siya. Mas malaki ang pagkakamali niya no?! Manligaw ba ng sabay? whew. malay ko, baka meron pang iba bukod sa akin at sa present nia.

Ilang araw din akong naghinanakit. Ilang araw na puro pait ang nadarama pero napagisip isip ko na dapat pala tigil na. Tama na sa pagiging bitter. Wala namang mangyayari kahit ano pang sabihin ko e? Sila na at I think masaya na siya sa kanya. Sige lang, magpakasaya kayo. Baka di lang talaga siya para sakin. (Di talaga! XD) Yaan na.

Ang ano ko lang dun e, wag na sanang ipamukha sakin ng mga kaibigan ko o ipaalaala. wag ngayon, wala pa ko sa mood para makita siyang muli. kahit ang posts niya sa Facebook. ayokong makita. ayoko rin siyang itext, ichat or any. Ayoko na muna. baka kasi bumalik pa ung nararamdaman kong bitterness.

masaya ako sa nararamdaman ko ngayong hindi ko siya naaalaala. Walang nagpapaalaala sa kanya, at kung mayroon man, wala na kong care. Tama na. :) wag na munang pag-usapan. Eto na muna huling mensahe ko para sa issue na ito. HAHA! basta masaya ako? Darating din ung araw na handa na akong harapin siyang muli. Wag lang talaga muna ngayon. Time will heal the pain. TAMA! It will so just wait. Hayaan na munang kalimutan ng aking puso at isipan ang lahat, masasaya at malulungkot mang nangyari sa pagitan naming dalawa.

para sa kanya: ahmm.. nagpapasalamat ako kasi dumating ka sa buhay ko. thank you for making my 17th birthday memorable kasi ikaw ung first na tumawag. I mean first time ever, may tumawag sa araw ng kapanganakan ko. Second was my cousin, nauna ka lang talaga. Siguro, reason un para maalaala kita? Hehe. Thank you for entering my life, thank you for loving me. Thank you talaga kahit totoo man un o hindi, thank you. Mahal kita kahit huli na. Natakot lang talaga akong sabihin agad ang lahat sa iyo dahil natakot ako. Sana malaman ko bakit mo nagawa iyon? Sadya ka lang sigurong malandi ano? Haha. Nung sinabi kong mahal kita, mahal talaga kita. Oo, minahal na kita kaso...wala na. Kaw e?! Alam mo ba naramdaman ko nung nakita ko ung pagpapalit mo ng relationship status sa FB?! Nasaktan ako ng sobra nun, nasaktan pati pride ko. Nagpakabitter ako, ilang araw akong napuyat kakaisip bakit naging ganun. Nagawa mo pa akong tawaging 'baby' days after naging kayo? Hala. grabe ka rin. naulit pa ng sumunod na araw, naisip ko, normal na sigurong tawagin mo akong baby and anybody else. Nung sinabi mo dating faithful ka? Ahm..siguro nga pero hindi rin. Kapal ng mukha mong maging faithful, nanligaw ka naman ng sabay! Siya pinili mo kasi taga jan siya sa inyo ano? edi kayo na. haha.ang bitter ko ano? ganun talaga. saktan mo ba nama? :p sige. tama na to, baby? I love you for the last time. Sana hindi na tayo magkita. Sana rin di na ko makakilala ng tulad mo. Pero salamat pa rin talaga sa pagdating mo sa buhay ko. Ikaw ang pang-apat na lalaking minahal ko. (First is God, next is my father, third ay si ex) Sana ay ayusin mo na ng tuluyan yang buhay mo. Sana maging masaya ka sa tatahakin mong landas. Best wishes for you! Cheers! Good bye. :)