naging komportable nga ba ako? at feeling ko e kahit hindi na ako mag-aral sa major ay ayos lang kasi mataas naman ako nung prelims?! WTH! Mali ata ang nagawa ko..though ganun talaga ang tendency[ng aking sarili] kapag nakakaramdam ako ng achievement...
lumaki na ba ang ulo ko? I think, hindi naman.. Naging isang estudyanteng tamad lang naman ako! aray! pero totoo un! ang sakit pero un ang katotohanan. ako rin naman ang may kasalanan, sino pa ba ang dapat sisihin? edi ang aking sarili. ako naman nagpapatakbo ng buhay ko e..kaya ngaun ..eto..malungkot ako..kasi feeling ko ang BOBO KO! OO! RAMDAM KO TALAGA ANG BOBO BOBO KO! T___________T
Kasi naman, nung midterm...balanced nga...hindi naman tama! pero tanggap ko un..tsambahan lang siguro na tama ang pagkakaintindi ng iba,, ung akin mali. Whew! Accepted pa un e...pero ang bumagsak ulit sa isang seatwork ay isang malaking pagkakamali ko! Ayt!
nagiging tamad na naman akong mag-aral. >.< Hindi dapat ganun e! dapat magsipag ako kundi! MAWAWALA AKO SA ACCOUNTANCY..at KAPAG NANGYARI YON, waley na! WALEY NA WALEY na talaga...sayang ang efforts ko...at madidisappoint ko neto si paderdirest. whew...
kapag nawala ako sa accountancy, tanggal ang scholarship ko. aruy! hindi na nga masyadong malaki ung kulang ko sa time ng work..pero ung grades ko naman FAILING?! OH NOSE! HINDI ITO DAPAT NANGYAYARI SA AKIN!
DAPAT NA AKONG MAGBAGO! Hai.
---IDAGDAG KO PA....mababa rin ako sa Filipino...76 lamang ako! Whew..pero kaya pa namang bawiin un?!!! pero ung sa accounting talaga! 76 din! pareho daw e?! dapat tlaga ganun?! amp!dapat kasi 80 and above para qualified pa rin!
KAYA NAMAN NGAYON! MAGBABAGO NA ULIT AKO. [Paulit ulit akong magbabago kung alam kong may mali na. Dapat ko itong tandaan! Dapat mapunta ako sa tamang landas. At marating ko ang tuktok! woot! sana talaga Accountancy student pa ko sa 2nd year ano?!
I asked God for a sign kung hindi para sakin ang Accountancy na course...sign kaya ung pabagsak bagsak ako?! Wag naman! Baka sign un para nga marealize kong dapat ako ay mag-aral ng mabuti!
DAPAT LANG! Hai.