Tuesday, March 1, 2011

bago man, luma na rin! XDD

Darating sa ating buhay na magmamahal tayo ng lubos tapos yun pala sasaktan lang tayo. Sa isip at puso natin akala natin hindi na tayo makakapagmove on. Akala lang natin yon! Kasi panahon lang ang makapagsasabi at magbibigay sa atin ng panibagong bukas, ng bagong pag-asa.

Sasaya tayong muli at makakatagpo ng bagong pag-ibig. Whew! Pag-ibig na nga ba?! Hindi dapat ikinukumpara ang nakaraan at nakasalukuyang pag-ibig pero un at un lang din ang nangyayari sa bawat tao.

Pero aminin ko na...mahal na mahal na mahal ko si A pero noon yun. Hindi pa rin maiiwasan at hindi maitatago na mahal ko pa rin siya pero hindi na tulad ng dati.Mahal ko man siya, naka-move on na naman ako sa kanya at hindi siya mawawala sa puso ko dahil naging parte din naman siya neto.

Ngayon ay nariyan si B, sinasabing mahal niya ako. Ako lang DAW, maniwala RAW ako sa kanya. Hay... Sige tatanggapin ko lahat ng sinasabi niya, inaamin ko kinikilig ako sa mga sinasabi niya. Kaya lang...

Mahirap na ang maniwala ng todo todo, ngayon pa't ang layo niya sa akin. [LDR?!] Hindi rin kasi sa tingin ko niloloko lang naman niya ako e. Ganung ka-gwapo, magmamahal ng totoo?! Hindi manloloko? walang iba?!

Atsaka maraming beses na ring napatunayan kong hindi siya totoo. Lagi niyang sinasabi na mahal niya ako pero hindi naman seryoso, sabi nga sa kantang 'Love Team' Bakit kasi naniwala ako?! Ayan tuloy, mahal ko na nga siya at sa tuwing nilalayo ko na ang sarili ko sa kanya, dun naman siya babalik. Hay buhay...bakit ganito?! Bakit?!

Ano kayang mas mabuting gawin?! Siguro nga.. ang magmove on...na naman pero ibang tao na. Hay! Ayoko na naman...niloloko ko lang ang sarili ko pag naniwala akong ako nga lang! HAHA!

Lagi niyang sinasabi mag-ingat ako. Sige, siya rin! Baka isang araw magkita kami, mag-ingat talaga siya! JOKE!

back to zero ulit! =))