Thursday, September 15, 2011

UMAARAW SA TAG-ULAN by Noel Cabangon

Nagbabago na ang panahon
Di na katulad noon
Litong lito na ang mundo
Ang panaho’y pabago-bago
Umuulan sa tag-araw
Umaaraw sa tag-ulan
Sobrang lamig sa taglamig
Sobrang init sa tag-init
Ang klima ay nag-iiba
Ang daigdig ay umiinit na
Kumakapal na ang usok sa papawirin
Hirap na hirap ng huminga ang daigdig

O Diyos ko! Katapusan na nga ba ng mundo?
O Diyos ko! Saan na kaya magtatago?
O Diyos ko! Maglalaho na nga ba ang mundo?
O Diyos ko! Pigilan ang pag-init ng mundo!
O Diyos ko!

Naranasan na natin ang mga mararahas na bagyo
Nasaksihan na natin ang mga buhawi, ipo ipo
Labis kung bumuhos ang ulan
Labis kung uminit ang araw
Humahaba ang tag-init
Umiikli ang tag-ulan
Ang klima ay paiba-iba
Ang daigdig ay umiinit na
At sa magkabilang polo ng mundo
Natitibag ng malalaking tipak ng mga yelo

O Diyos ko! Katapusan na nga ba ng mundo?
O Diyos ko! Saan na kaya magtatago?
O Diyos ko! Maglalaho na nga ba ang mundo?
O Diyos ko! Pigilan ang pag-init ng mundo!
O Diyos ko!