Saturday, August 13, 2011

People Change.

Hindi sa lahat ng pagkakataon, ramdam kong mahal mo ako.
Maaaring kahapon mahal mo ako,
ngayon parang kaibigan na lang ulit.
Nagbabago ang panahon, ganun din ang tao.
Kaya naman kung nagbago ka na,
tatanggapin ko iyon. :(

Ang hirap...

Ang hirap magmahal sa taong mahal noon ng kaibigan mo.
Ang hirap magmahal sa taong alam mong sobrang nagmahal sa babaeng nauna sa buhay niya.
Ang hirap magmahal sa taong hindi mo alam kung tunay ba ang nararamdaman para sa iyo.
Ang hirap magmahal sa isang taong minsan mo lang makasama.
Ang hirap magmahal kung maraming aayaw.
Ang hirap magmahal kung hindi ka pa rin handa.
Ang hirap magmahal kapag hindi pa talaga dapat.
Ang hirap magmahal kapag ikaw ang nasa aking posisyon.
Ang hirap magmahal, mahirap talaga.