Thursday, March 29, 2012

KLSP

Kulang ka talaga sa pansin no? Nakakainis ka! Sobra! Bakit ba ganito ang dinudulot mo sakin? Bwisit! Alam ko wala ka namang ginagawa sakin. Dapat nga limot na kita o...tatlong taon na kasi e..tatlong taon na pero bakit parang meron pa rin akong nararamdaman! O siguro namimiss lang kita. Wala e.. Iba kasi talaga ata tong nararamdaman ko para sayo. Gaya nga ng nasabi ko dati, wala na ata akong mamahalin tulad ng pagmamahal ko sayo! OMG! Ang swerte mo rin no?! Sayo pa ko nagkakaganito. Oo na, sobra na ako. Tatlong taon na ang nakakalipas pero ganito pa rin ung nararamdaman ko. Haaay. Naiinis nga ako kasi ako lang naman ung nagkakaganito tuwing dumarating ung araw na naging tayo noon e. Nakakainis e. Sobra! Alam mo, ayaw ko na bumalik sayo kasi ni hindi nga ako ang binalikan mo after 6 months of waiting. Haaay. So bakit nga ba ako ganito? E ewan ko po. Kasi nga kasi nga..kasi nga..ikaw ung una! un lang un! una kitang minahal! at bakit parang ngayon meron pa rin akong nararamdaman?! Ano ba ito? Bitterness? Guilt? Regret? Hatred? Err. IDK. Magulo. Basta ngayon, naaalaala kita. At nakakainis un! Mahal ko ang boyfriend ko no. Masaya ako sa kanya, ikaw?! Masaya ka na rin naman sa girlfriend mo e. Matagal na nga kayo e, edi kayo na ang nagtagal! Sa tuwing titignan ko ung profile mo, naiisip ko, kaya ko rin naman ung mga ginagawa niya e, kahit nasa malayo ka, ikaw lang ang mamahalin ko e.parang dati, naghintay naman ako, anim na buwan un e. Regret? pinagsisisihan ko na hindi ko naibigay ung sulat ko para sayo noon, un tuloy naisip mo, may iba ako kahit wala naman talaga. kaso nakaraan na un e, hahaha. Hindi lang talaga tayo para sa isa't isa OK? Ngayon, kung tatanungin ako kung nakamoveon na ko sayo. Syempre OO! Ano ba yan...Ano bang mapapala ko sa iyo? Katangahan lang ang paiiralin ng taong naghihintay sa taong hindi naman magbabalik e. Buraot much! Namimiss lang kita kaya ako ganito. Oo gang dun lang un. I just missed you, that's all. :'(