Thursday, March 29, 2012

KLSP

Kulang ka talaga sa pansin no? Nakakainis ka! Sobra! Bakit ba ganito ang dinudulot mo sakin? Bwisit! Alam ko wala ka namang ginagawa sakin. Dapat nga limot na kita o...tatlong taon na kasi e..tatlong taon na pero bakit parang meron pa rin akong nararamdaman! O siguro namimiss lang kita. Wala e.. Iba kasi talaga ata tong nararamdaman ko para sayo. Gaya nga ng nasabi ko dati, wala na ata akong mamahalin tulad ng pagmamahal ko sayo! OMG! Ang swerte mo rin no?! Sayo pa ko nagkakaganito. Oo na, sobra na ako. Tatlong taon na ang nakakalipas pero ganito pa rin ung nararamdaman ko. Haaay. Naiinis nga ako kasi ako lang naman ung nagkakaganito tuwing dumarating ung araw na naging tayo noon e. Nakakainis e. Sobra! Alam mo, ayaw ko na bumalik sayo kasi ni hindi nga ako ang binalikan mo after 6 months of waiting. Haaay. So bakit nga ba ako ganito? E ewan ko po. Kasi nga kasi nga..kasi nga..ikaw ung una! un lang un! una kitang minahal! at bakit parang ngayon meron pa rin akong nararamdaman?! Ano ba ito? Bitterness? Guilt? Regret? Hatred? Err. IDK. Magulo. Basta ngayon, naaalaala kita. At nakakainis un! Mahal ko ang boyfriend ko no. Masaya ako sa kanya, ikaw?! Masaya ka na rin naman sa girlfriend mo e. Matagal na nga kayo e, edi kayo na ang nagtagal! Sa tuwing titignan ko ung profile mo, naiisip ko, kaya ko rin naman ung mga ginagawa niya e, kahit nasa malayo ka, ikaw lang ang mamahalin ko e.parang dati, naghintay naman ako, anim na buwan un e. Regret? pinagsisisihan ko na hindi ko naibigay ung sulat ko para sayo noon, un tuloy naisip mo, may iba ako kahit wala naman talaga. kaso nakaraan na un e, hahaha. Hindi lang talaga tayo para sa isa't isa OK? Ngayon, kung tatanungin ako kung nakamoveon na ko sayo. Syempre OO! Ano ba yan...Ano bang mapapala ko sa iyo? Katangahan lang ang paiiralin ng taong naghihintay sa taong hindi naman magbabalik e. Buraot much! Namimiss lang kita kaya ako ganito. Oo gang dun lang un. I just missed you, that's all. :'(

Thursday, February 16, 2012

"Boring"

Tama nga siguro si Maam Nila sa sinabi niya nung HS ako, hindi ako expressive sa love na nararamdaman ko. Gusto kong umiyak, pero walang nalabas na luha sa mga mata ko. Pero ang sakit! Ang sakit sakit kasi alam ko sa sarili ko na ganito ako kaso wala e, ganito pa rin ako. Hndi ko alam kung bakit ganito. Kahit naman sa pamilya e, hindi ako sweet. I am really not and I hate it. I hate myself! Alam ko hindi ito dahil sa first time ko magkarelationship. It's just that kulang ako sa expressiom, hindi ko mailabas lahat. Alam niyo ba yun? Siguro kasama na rin ung factor na mahiyain ako, madali akong matakot at inaalaala ko ang sasabihin ng iba. Maybe, that's the reason why. Haaay. Nararamdaman ko nga, mas sweet pa siya sa akin. Hindi ko alam kung sadyang ganun siya o weak lang talaga ako pagdating sa ganun. haay, what's wrong with me? Tinatanong pa ba yun Chala?! Alam mo na dapat sa sarili. Remind yourself na para ka lang lalaking TORPE na hindi masabi sa babaeng mahal niya ito. So anong mangyayari? Wala, kasi wala rin siyang ginagawa.

Pag magkasama kami, masaya naman ako, ang lambing niya kasi, ganun ba ako kahinhin? ( I mean, ayoko kasi ng PDA guys, err ) Ano bang dapat kong gawin? Mukha ngang pangspecial occassions lang ako, parang special product lang na kilala pag may ganitong event, may ganyang event. whew! It hurts but it's true! I hate it. Di ko alam, pag nakikita ko naman siya, gusto ko naman siyang yakapin, ikiss, pero wag sa harap ng ibang tao. Hindi sa ikinahihiya ko siya, I don't promise. It's just that NAHIHIYA TALAGA AKO E. T___T Nature ko na ung ganun, pagkamahiyain at pagkatahimik, halimbawa na lang sa pamilya ko, sa mga magulang ko nga, hindi ko nasasabi kung gaano ko sila kamahal KASI MAHIYAIN AKO. NAHIHIYA AKO MAGSABI NG I LOVE YOU NG HARAPAN. IT FEELS SO AWKWARD AND I HATE IT. Dapat diba hanggat may time sabihin ung mga ganung bagay dapat pinapaalam mo? Haay Bakit ako? Bakit hindi ko magawa?! Puro na lang kasi ako hiya e. Lagi ko na lang iniisip ung iba! Badtrip! Iniisip ko ung maaari nilang sabihin tungkol sa akin, takot kasi akong mapuna ng iba!

Kahit naman dati, kaya nga siguro niya pinili si ano...kasi i'm not expressive in love like her. Haaaaaaaaay. Ako na ung ganito, tsope! tsope si chalajoy! err! walang mangyayaring maganda pag ganito ako, hindi ako ang pinili ni ex noon dahil na rin sa akin, now i understand. Si present naman, si baby ko, ung mahal ko, ayoko siyang mawala ng dahil na naman sa sarili kong torpe. Ayokong iwan niya ako pero kung hindi niya mahanap sa akin o maramdaman sakin ung feeling na nais niya, wala na akong magagawa pa. Kasalanan ko naman kasi e, when will I ever learn? Kailan ko pa sasabihin ang mga salitang dapat nasabi ko na, matagal na? Kailan ko pa ipaparamdam ang pagmamahal, kung kailan huli na ang lahat? NO wAY. :/

Yes Ma'am, tama ka nga po.

Saturday, January 28, 2012

In a relationship to engaged

'break na tayo!'
"sure ka?"
"oo"
"wag please.."

...parang mga nobela lang...nangyayari rin pala to sa tunay na buhay..lalo na sa akin pa? haay. Oo, he said that to me but I stopped him, alam ko namang galit lang siya sakin kaya niya nasasabi ang mga ganong bagay. Alam ko namang mahal niya ako e, ganun din naman ako sa kanya, mahal na mahal ko na nga siya kahit lagi pa kaming magkaaway, kahit lagi akong nangingiyak. Iyaking natural lang talaga ako, un un e! Buti nahimasmasan at binawi. So ngayon, kami pa rin. Kami lang! Ok, selfish ba? Oo. AKIN LANG SIYA. Wala ngang agawan OK? Ang akin ay akin. Care ko kung me communication pa sila ng ex nia? YEAH, THE HELL I CARE. Basta ang kailangan ko po ay pagtitiwala. trust and love him. Naks parang ITALY lang! So paano na? Good luck na lang sa midterm exam namin! Sana pumasa sa lahat ng subject. HWAITING!

Sunday, January 22, 2012

Happy Second Motmot!

=January 21, 2012=

akalain mong umabot kami ng dalawang buwan? :)) natatawa ako kasi bago dumating ang araw na to, . . . as usual nagkaaway kami. tawa na lang... Kung last month e puno ng luha ang araw na 21, ngayon ito ay puno ng mga ngiti! WEH? Ayaw niyo maniwala? Sige lang. Basta magkasama kami OKS NA OKS NA!
Pagkatapos NGUMANGA sa FinAcc (about sa Proof of Cash tas nagAccounts Receivable), punta kaming Jobee Naic at dun kumain ng aming tanghalian/merienda. Tom jones na tom jones ako e, di kasi ako kumain nung break time.

After that, pumunta kami kina Ma'am Minda. Yeah, she's now in heaven. :'( Kahapon lang (Jan.20) around 11am...aun...dun na lumipas ang araw namin ni France..kasama sina Ajae, Ed Mark, Glen, Taje, Mafi, Neil, EJ, Justin M., Ronnel at Denmark (the Atenistas XD).]

Gumawa rin kami ng project ni Charles. HEHE!

I LOVE YOU FRANCE! MUAH MUAH TSUP TSUP! :))

Thursday, January 19, 2012

kdot

ako na lang ba lagi ang may mali? masama bang hindi padaanan ng gm ang taong kasama mo? e kasama mo na naman siya? at wala ka namang masamang sinabi dun sa gm mo?!

at isa pa ... kung pinagtanggol ko man ang mga lalaki galing sa nakaraan, siguro nararapat lang naman un kasi kahit papano ay naging kaibigan ko rin sila at nasasaktan akong masabihan ng anuman. i min kung may totoo namang bagay about them, u dont need to say it coz i know it naman. Di naman kailangang pintasan ang mga taong walang ginagawang masama sa iyo. ako ay sadyang napuno lamang kaya naman pati ex nia na andun sa skul sa araw na un,e nasabihan ko ng 'di naman kagandahan' sorry naman..mali na mali na ako..:'(

...........

BTW THANK YOU TALAGA MS. LEA MARIE SANGALANG! Dahil sa iyo nakabli ako ng shirt para naman may remembrance ako ng PASUC Olympics na minsan lang sa sampung taon kung gawin sa CvSU. And in fairness, may bubong na ang cover walk. Maybe next week tapos na un.. kaso parang mali talaga ung shape ng bubong e..mainit pa rin kasi. haha. bahala na si batman! basta dapat bday ko tapos na un! :)) ung binili kong shirt dalawa, ke ano ung isa,..di ko pa nga sinasabi sa kanya e..surprise na lang...sana makaabot pa ng 2days.

hahahaaaaaaaaaaaaaaaaaay...

Wednesday, January 18, 2012

XYZ

Yung feeling na nagkita kayo ng ex niya at ung taong pinagseselosan mo?!

Lunch time pa naman, gutom na ko pero nung nalaman kong andun parang nagiba...nakakailang kumain as if nakatingin silang lahat sa akin dun..bote na lang...nakakain pa ko...at nakalayas na rin dun sa canteen. I dont feel good vibes that time. LOL.

btw..halata naman...bati na ulit kami....

Tuesday, January 17, 2012

Hi?

Ngayon na lang ulit ako nakapagblog dito a. First post for the year 2012. Antagal bago ako nakapagblogger ulit. nakakamiss to. dito lang naman ako nakakapaglabas ng mga saloobin na ung feeling ko ako lang nakakabasa. Ung feeling ko ako lang ang may alam. Andami ng nangyari...

Last na post ko dito about pa sa culminating activity nung first sem ng second year ko sa Accountancy Program. Dami na nagbago, di na ko single ngayon! Yeah. Taken by Mr. Samaniego na e nung November 21. Marami ng napagdaanan, mga nangyari pero bakit ganun? ambagal lang talaga ng oras. ngayon, magdadalawang buwan pa lang pala kami. Ngayon lang ako nagkaboyfriend ng matagal tagal kaya parang siya na rin ung first boyfriend...kahit second na talaga siya! XD Sa kanya ko naranasan ang first monthsary na punung puno ng iyakan. HAHA. kaya naman di ko un makakalimutan. First time ko ring magSM at manuod ng sine sa araw ng pasko kasama siya at ang aking mga pinsan.
Naging masaya rin ang aking pagsalubong sa 2012 kasi habang nanunuod ng fireworks display e kausap ko ung taong mahal ko. ='> Sa valentines kea? Di ko po alam. haay.. magulo rin kasi kami. puro away, tapos bati. tulad ngayon, magkaaway kami..hahay...sana maayos na... ... ...

'Change not another chance.


*Andami ko pang gustong sabihin pero di ko masabi. kulang ang mga salita upang mailabas ang aking nadarama.

BASTA NAKAKAINIS! HAAAAAAAAAY.