Thursday, September 15, 2011

UMAARAW SA TAG-ULAN by Noel Cabangon

Nagbabago na ang panahon
Di na katulad noon
Litong lito na ang mundo
Ang panaho’y pabago-bago
Umuulan sa tag-araw
Umaaraw sa tag-ulan
Sobrang lamig sa taglamig
Sobrang init sa tag-init
Ang klima ay nag-iiba
Ang daigdig ay umiinit na
Kumakapal na ang usok sa papawirin
Hirap na hirap ng huminga ang daigdig

O Diyos ko! Katapusan na nga ba ng mundo?
O Diyos ko! Saan na kaya magtatago?
O Diyos ko! Maglalaho na nga ba ang mundo?
O Diyos ko! Pigilan ang pag-init ng mundo!
O Diyos ko!

Naranasan na natin ang mga mararahas na bagyo
Nasaksihan na natin ang mga buhawi, ipo ipo
Labis kung bumuhos ang ulan
Labis kung uminit ang araw
Humahaba ang tag-init
Umiikli ang tag-ulan
Ang klima ay paiba-iba
Ang daigdig ay umiinit na
At sa magkabilang polo ng mundo
Natitibag ng malalaking tipak ng mga yelo

O Diyos ko! Katapusan na nga ba ng mundo?
O Diyos ko! Saan na kaya magtatago?
O Diyos ko! Maglalaho na nga ba ang mundo?
O Diyos ko! Pigilan ang pag-init ng mundo!
O Diyos ko!

Sunday, September 4, 2011

Laugh trip men!

Nakakatawa ung mga post ko noon, sobraaa. Ang arte much! Ako ba yun?! Ay, yah! maarte nga ako..pero hindi ko naman akalaing ganun pala ko kaarte magblog noon. Hihi. Kahit saan ang daldal ko, sa text, sa blog, lalo na sa personal! Un nga lang, tahimik na pag napapagalitan na ni Mama. PEACE! ^____^

This.



while tumblring...I saw this picture and stopped for a while. Remembering him. Nyahaha. Yeah, it looks like his. No doubt. What nao?! Nothing, I just remember him. =p

Saturday, August 13, 2011

People Change.

Hindi sa lahat ng pagkakataon, ramdam kong mahal mo ako.
Maaaring kahapon mahal mo ako,
ngayon parang kaibigan na lang ulit.
Nagbabago ang panahon, ganun din ang tao.
Kaya naman kung nagbago ka na,
tatanggapin ko iyon. :(

Ang hirap...

Ang hirap magmahal sa taong mahal noon ng kaibigan mo.
Ang hirap magmahal sa taong alam mong sobrang nagmahal sa babaeng nauna sa buhay niya.
Ang hirap magmahal sa taong hindi mo alam kung tunay ba ang nararamdaman para sa iyo.
Ang hirap magmahal sa isang taong minsan mo lang makasama.
Ang hirap magmahal kung maraming aayaw.
Ang hirap magmahal kung hindi ka pa rin handa.
Ang hirap magmahal kapag hindi pa talaga dapat.
Ang hirap magmahal kapag ikaw ang nasa aking posisyon.
Ang hirap magmahal, mahirap talaga.

Sunday, March 27, 2011

hahaha

tawa muna ko bago magstart. hindi ba't masaya sa pakiramdam pag tumawa?

basta..masaya rin sa pakiramdam ung wala kang tinatago. sa wakas nasabi ko rin sa kanya! hay... at least di niya nalaman sa iba? mas maganda kung sakin manggagaling..baka pag naunahan pa ko ng kabilang side..iba ang masabi..whew..

aus naman ang lahat..aus na! haha. tapos na ko sa pakiramdam na malungkot? at sa nararamdaman ko sa kanya..napapaisip nga ako kung totoo ba talaga ung naramdam ko sa kanya? baka dala lang ng malanding panahon e...eto na naman ang stage of confusion...minahal ko nga ba sya? wahahaha... siguro oo..pero mas lamang pa rin ung kay ex..lol.

nakakamiss naman siya..i thought he's there last night at the concert..asa?! hahaha. siguro sa graduation andun un..kasama gf nia! LOLJK! XDD bibisitahin nila si insan.HAHA. kung ano ano naiimagine ko..

ewan.basta dapat pala nag-aaral ako ngayon..kasi finals week na..bukas e english at moi..d maxado nakakakaba..ung sa tuesday ang oo...filipino at Accounting ba naman...feeling major at ang major ko pinagsama sa isang araw! Jusme!

may nagtext pa sakin kanina..naghahanap daw siya ng katext..sa dinamirami ba naman ng number sa mundo..akin pa ung nakuha nia..lol...magsama sila ng cellphone nia..wala na kong panahon para sa ganun...haha...pagkatanong ko ng hu u..dahil ngtxt ba ng feeling close...tapos sagot nga e aun..naghhnp ng txtmate at jr daw name nia..kalapit pa sa name ng nanloko sakin e? haha.. care ko naman sa kanya? wag na nga lang replyan no. (ganun daw pag natuto na!hahahaha)

xa! aral na! gudluck sakin! :DDDDDDDDDD

Friday, March 25, 2011

What the Hell?!

"all my life I've been good but now,oh oh, thinking what the hell!"

--wala lang.fave ko lang ngayon sumunod sa I Love You na parehong kanta ni Avril Lavigne. kaso di bagay ang I Love You sa mood ko. (mood daw?LOL) kasi naman I'm out of love. Ahaha. Nagawa ko pang tumawa a? Ganun talaga. :D

Darating sa buhay ng tao na may bagong makikilala, bagong mamahalin. Akala mo siya na, akala mo di ka niya lolokohin pero akala lang un. akala lang ang lahat. Haay. Bakit nga ba ganun? Kung kelan may nagsasabing mahal ka, di ka iiwan, maghihintay para sayo,maniniwala ka na...sa bandang huli naman, lolokohin ka lang pala.

Manliligaw ligaw sayo,araw araw nanuyo. Laging sinasabing mahal ka pero dapat bang maniwala sa salita? Mas mahalaga pa rin na pinadadama niyang mahal ka niya. Madali lang kasing sabihing mahal mo ang isang tao kahit di naman talaga. Ang mahirap ay ung magsabi ng 'I love you too'. Ang swerte na ng taong masabihan ng Iloveyoutoo kasi ibig sabihin mahal ka rin niya. Whew. Oo, 'rin' pareho kayo ng nararamdaman para sa isa't isa. Kaso hindi lang talaga dapat binabase sa salitang i love you ang lahat.

Kasi naman, bakit ganun? sasabihan ka ng iloveyou, un pala ganun din sa iba. Lahat ng sinabi niya, nasabi na rin niya dun sa isa. Ang mas masakit pa dun, kanina lang mahal na ninyo ang isa't isa(totoo na ung nararamdaman mo) kinabukasan, may karelasyon na siyang iba. Diba ang sakit? Ang sakit sakit nun! tagusan sa puso, nakakasikip ng dibdib! Whew!

Ano nga bang dahilan? Di ko rin alam kung bakit naging ganun. Mali ba ang ginawa ko? Mali bang itago muna sa sarili ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya? O tama lang dahil sa huli ay sasaktan niya rin ang ako?

Dun siya bumagsak sa isang babaeng hindi naman kagandahan. Inaamin ko, nakakabitter talaga nung nalaman kong ganun, sinong hindi mabibitter aber?! Pero un nga lang ba talaga ang dapat na tignan? Owkay, diretso na, pangit siya pero ang lamang niya, mas malapit siya sa kanya. Siguro, mas pinaramdam niyang mahal niya siya. Ako kasi hindi e, hindi ako agad nagsabi ng nararamdaman ko. kaya siguro dun siya. Eh? May mali pa rin siya. Mas malaki ang pagkakamali niya no?! Manligaw ba ng sabay? whew. malay ko, baka meron pang iba bukod sa akin at sa present nia.

Ilang araw din akong naghinanakit. Ilang araw na puro pait ang nadarama pero napagisip isip ko na dapat pala tigil na. Tama na sa pagiging bitter. Wala namang mangyayari kahit ano pang sabihin ko e? Sila na at I think masaya na siya sa kanya. Sige lang, magpakasaya kayo. Baka di lang talaga siya para sakin. (Di talaga! XD) Yaan na.

Ang ano ko lang dun e, wag na sanang ipamukha sakin ng mga kaibigan ko o ipaalaala. wag ngayon, wala pa ko sa mood para makita siyang muli. kahit ang posts niya sa Facebook. ayokong makita. ayoko rin siyang itext, ichat or any. Ayoko na muna. baka kasi bumalik pa ung nararamdaman kong bitterness.

masaya ako sa nararamdaman ko ngayong hindi ko siya naaalaala. Walang nagpapaalaala sa kanya, at kung mayroon man, wala na kong care. Tama na. :) wag na munang pag-usapan. Eto na muna huling mensahe ko para sa issue na ito. HAHA! basta masaya ako? Darating din ung araw na handa na akong harapin siyang muli. Wag lang talaga muna ngayon. Time will heal the pain. TAMA! It will so just wait. Hayaan na munang kalimutan ng aking puso at isipan ang lahat, masasaya at malulungkot mang nangyari sa pagitan naming dalawa.

para sa kanya: ahmm.. nagpapasalamat ako kasi dumating ka sa buhay ko. thank you for making my 17th birthday memorable kasi ikaw ung first na tumawag. I mean first time ever, may tumawag sa araw ng kapanganakan ko. Second was my cousin, nauna ka lang talaga. Siguro, reason un para maalaala kita? Hehe. Thank you for entering my life, thank you for loving me. Thank you talaga kahit totoo man un o hindi, thank you. Mahal kita kahit huli na. Natakot lang talaga akong sabihin agad ang lahat sa iyo dahil natakot ako. Sana malaman ko bakit mo nagawa iyon? Sadya ka lang sigurong malandi ano? Haha. Nung sinabi kong mahal kita, mahal talaga kita. Oo, minahal na kita kaso...wala na. Kaw e?! Alam mo ba naramdaman ko nung nakita ko ung pagpapalit mo ng relationship status sa FB?! Nasaktan ako ng sobra nun, nasaktan pati pride ko. Nagpakabitter ako, ilang araw akong napuyat kakaisip bakit naging ganun. Nagawa mo pa akong tawaging 'baby' days after naging kayo? Hala. grabe ka rin. naulit pa ng sumunod na araw, naisip ko, normal na sigurong tawagin mo akong baby and anybody else. Nung sinabi mo dating faithful ka? Ahm..siguro nga pero hindi rin. Kapal ng mukha mong maging faithful, nanligaw ka naman ng sabay! Siya pinili mo kasi taga jan siya sa inyo ano? edi kayo na. haha.ang bitter ko ano? ganun talaga. saktan mo ba nama? :p sige. tama na to, baby? I love you for the last time. Sana hindi na tayo magkita. Sana rin di na ko makakilala ng tulad mo. Pero salamat pa rin talaga sa pagdating mo sa buhay ko. Ikaw ang pang-apat na lalaking minahal ko. (First is God, next is my father, third ay si ex) Sana ay ayusin mo na ng tuluyan yang buhay mo. Sana maging masaya ka sa tatahakin mong landas. Best wishes for you! Cheers! Good bye. :)

Monday, March 7, 2011

Confused!

Uhhhhhhhhh. Kailangan ko na atang iwanan o pansamantalang kalimutan ang KPOP?! Ang tumblr? Ang computer?! Kailangang magfocus..focus! focus! focus sa Accounting! Waah...Bakit kea ganun?! Bakit kasi hindi ako lumaking bookworm?! WHEW! Kailangan pa naman un sa accountancy program..AYOKO namang mawala...Kailangan ko lang pagtuunan ng pansin dahil para sa future ko itech! Whew!

Tuesday, March 1, 2011

bago man, luma na rin! XDD

Darating sa ating buhay na magmamahal tayo ng lubos tapos yun pala sasaktan lang tayo. Sa isip at puso natin akala natin hindi na tayo makakapagmove on. Akala lang natin yon! Kasi panahon lang ang makapagsasabi at magbibigay sa atin ng panibagong bukas, ng bagong pag-asa.

Sasaya tayong muli at makakatagpo ng bagong pag-ibig. Whew! Pag-ibig na nga ba?! Hindi dapat ikinukumpara ang nakaraan at nakasalukuyang pag-ibig pero un at un lang din ang nangyayari sa bawat tao.

Pero aminin ko na...mahal na mahal na mahal ko si A pero noon yun. Hindi pa rin maiiwasan at hindi maitatago na mahal ko pa rin siya pero hindi na tulad ng dati.Mahal ko man siya, naka-move on na naman ako sa kanya at hindi siya mawawala sa puso ko dahil naging parte din naman siya neto.

Ngayon ay nariyan si B, sinasabing mahal niya ako. Ako lang DAW, maniwala RAW ako sa kanya. Hay... Sige tatanggapin ko lahat ng sinasabi niya, inaamin ko kinikilig ako sa mga sinasabi niya. Kaya lang...

Mahirap na ang maniwala ng todo todo, ngayon pa't ang layo niya sa akin. [LDR?!] Hindi rin kasi sa tingin ko niloloko lang naman niya ako e. Ganung ka-gwapo, magmamahal ng totoo?! Hindi manloloko? walang iba?!

Atsaka maraming beses na ring napatunayan kong hindi siya totoo. Lagi niyang sinasabi na mahal niya ako pero hindi naman seryoso, sabi nga sa kantang 'Love Team' Bakit kasi naniwala ako?! Ayan tuloy, mahal ko na nga siya at sa tuwing nilalayo ko na ang sarili ko sa kanya, dun naman siya babalik. Hay buhay...bakit ganito?! Bakit?!

Ano kayang mas mabuting gawin?! Siguro nga.. ang magmove on...na naman pero ibang tao na. Hay! Ayoko na naman...niloloko ko lang ang sarili ko pag naniwala akong ako nga lang! HAHA!

Lagi niyang sinasabi mag-ingat ako. Sige, siya rin! Baka isang araw magkita kami, mag-ingat talaga siya! JOKE!

back to zero ulit! =))

Saturday, February 5, 2011

left behind?!

naging komportable nga ba ako? at feeling ko e kahit hindi na ako mag-aral sa major ay ayos lang kasi mataas naman ako nung prelims?! WTH! Mali ata ang nagawa ko..though ganun talaga ang tendency[ng aking sarili] kapag nakakaramdam ako ng achievement...

lumaki na ba ang ulo ko? I think, hindi naman.. Naging isang estudyanteng tamad lang naman ako! aray! pero totoo un! ang sakit pero un ang katotohanan. ako rin naman ang may kasalanan, sino pa ba ang dapat sisihin? edi ang aking sarili. ako naman nagpapatakbo ng buhay ko e..kaya ngaun ..eto..malungkot ako..kasi feeling ko ang BOBO KO! OO! RAMDAM KO TALAGA ANG BOBO BOBO KO! T___________T

Kasi naman, nung midterm...balanced nga...hindi naman tama! pero tanggap ko un..tsambahan lang siguro na tama ang pagkakaintindi ng iba,, ung akin mali. Whew! Accepted pa un e...pero ang bumagsak ulit sa isang seatwork ay isang malaking pagkakamali ko! Ayt!

nagiging tamad na naman akong mag-aral. >.< Hindi dapat ganun e! dapat magsipag ako kundi! MAWAWALA AKO SA ACCOUNTANCY..at KAPAG NANGYARI YON, waley na! WALEY NA WALEY na talaga...sayang ang efforts ko...at madidisappoint ko neto si paderdirest. whew...

kapag nawala ako sa accountancy, tanggal ang scholarship ko. aruy! hindi na nga masyadong malaki ung kulang ko sa time ng work..pero ung grades ko naman FAILING?! OH NOSE! HINDI ITO DAPAT NANGYAYARI SA AKIN!

DAPAT NA AKONG MAGBAGO! Hai.

---IDAGDAG KO PA....mababa rin ako sa Filipino...76 lamang ako! Whew..pero kaya pa namang bawiin un?!!! pero ung sa accounting talaga! 76 din! pareho daw e?! dapat tlaga ganun?! amp!dapat kasi 80 and above para qualified pa rin!


KAYA NAMAN NGAYON! MAGBABAGO NA ULIT AKO. [Paulit ulit akong magbabago kung alam kong may mali na. Dapat ko itong tandaan! Dapat mapunta ako sa tamang landas. At marating ko ang tuktok! woot! sana talaga Accountancy student pa ko sa 2nd year ano?!

I asked God for a sign kung hindi para sakin ang Accountancy na course...sign kaya ung pabagsak bagsak ako?! Wag naman! Baka sign un para nga marealize kong dapat ako ay mag-aral ng mabuti!

DAPAT LANG! Hai.

Sunday, January 2, 2011

Happy Three Kings!

January 2 2011---bukas may pasok na pero ilang assignments pa lang ang tapos ko. pagkatapos kasi ng pasko ang dami ng events na nangyari.nung 30 lang ako naging free at ngayong jan1 at 2...e kailangan pang gawiin ung sa psychology...ung scrapbook, ung nature vs nurture at ung mga natutunan daw, kailangan pang mag-aral sa filipino...at for sure dapat nagbasa na rin pala ako sa Accounting..Patay na naman ako dun...baka hindi ako makasagot..Tsk tsk tsk!

Bakit ba kasi ang tamad tamad ko?!! Sana nung before christmas pa lang e nagstart na ko..(Nagstart na naman ako! Kaya lang ung mga mahihirap ang mga hindi ko nasimulan agad..Tuloy ngayon....mahihirap ung mga natira..buti na lang deadline nila ay within this month.,.pero maganda na rin ung tapos na agad.nang wala ng poproblemahin sa future, dba?!

I thank God for giving me another day in this world. Kasi akala ko hindi na ko magigising...Ung pagtulog ko nga hirap na hirap na..kaya nga napuyat ako...hindi ako makatulog ng maayos..at ang sikip sikip sa dibdib..

sabi ng mga nakakatext ko..bakit ayaw ko raw magpacheck up?! Kahit ba naiisipan ko na...at gustong gusto ko na..ayaw ko pa rin dahil sasabihin lang nila e gastos..[feeling ko lang un] i always self medicate...pero dapat nga hindi ganun e..pero ano namang magagawa ko?! wala akong sariling pera para ipacheck up ang aking sarili!

KUNG mamatay man ako...o malaman munang malubha na agad ang sakit ko...ayos na rin siguro sakin...e ano magagawa ko?! ganun talaga...darating at darating ang lahat ng mga tao sa kabilang mundo...una unahan lang...at kung mauna na nga ako...Sorry!

Sorry kasi hindi ko na matutupad ung mga pangarap ko..Pangarap ko para sa sarili ko, sa pamilya ko...Hindi na ko magkakaboyfriend, magging CPA, magkakaasawa, magkakapamilya..HUHU! Wala na rin ang planong maghahandan ng bonggang bongga sa 25th bday at ang balak na pagpapapayat...at pagpapaputi! pero atleast wala na kong problema kapag nawala na ko rito..

Sorry ulit,.kung mamatay man ako agad agad..kasi gastos pa sa inyo ipangbuburol at ipanglilibing sa akin..

Thank you sa lahat...mula ng pinanganak ako hanggang ngayon..anjan kayo para sakin..
I love you po...

sa tatay ko....sorry kung nasayang lang ang pagpaparal niyo sakin..bigla nalang akong nawala...ang certificate na mabibigay ay death..hindi diploma...tsk tsk..mwawala na ang pnakaunang magging CPA satng pamilya..HUHU!

sa nanay ko..sorry kung lagi akong tamad!

sa lahat ng mga kaibigan ko..sa mga naging kaaway...bati bati na lahat...ilove you all too! sana wag niu akong kakalimutan a!6sped 4nsics,bsacc1-1,lhandies,..love you!

sana naman umuwi si BFF...kpag ano...para makita nia ang maganda niyang BFF! I miss her so much! kahit ilang taon lang kaming nagkasama..i felt na sya ang the BEST talaga! kaya lang hindi ko masabi sa kanya lahat ng problema..as in lahat lahat..dahil she's too far away..nalulungkot naman ako dun...nainggit ako sa ibang magbestfriends kasi sila malapit sa isat isa...kami.,.,million miles away..U.U


sa taong sinaktan ako.(si ano) ikaw ang una...at huli sa NGAYON! pero tandaan mo, AKO! >:p Pumunta ka naman sa libing ko a?! Pwede ba un?! Kahit sa huling pagkakataon e silipin mo man lang ako! Hindi ko alam kung kasalanan ko ba o kasalanan mo pero nakaraan na un e..hindi na maibabalik ang dati..basta you'll remain in my heart..but not 100% occupied no?!

marami pa jan! hindi lang ikaw...sana si encee, si 'dadiii' at dadiii look alike pati na rin si 'tito' will go too..magpapicture kayo ng sama sama! tapos isama niyo sa paglilibing sakin!

ANO BA TONG GNAWA KO?! HULING HABILIN BA TO?! hay..... bakit kasi ang hina ng loob ko...



[ang kabaliwan ko,sa mga panahong feeling ko ay wala akong makausap,down na down,and all i want is to be with God na,whew!]